Ang CLUB WARS ay isang event na kung saan ang bawat GANG o ang kanilang ka allied sa RAN ONLINE ay maaaring sumakop ng isang eskwelahan o lugar sa laro. ( Mystic Peak School, Sacred Gate School, Phoenix School, or Trading Hole Area ).
Paano ginaganap ang CLUB WARS?
Ginaganap ito sa pamamagitan ng pagsakop ( o pagdepensa kung nasakop na ang naturang E-Room ) ng isang Electronic Room na rumerepresenta ng isang eskwelahan o lugar. Ang isang GANG ay papasok sa isa sa mga apat na E-Rooms at susubukang sakupin ito sa pamamagitan ng pag
authenticate sa computer na matatagpuan sa pinakadulong loob ng E-Room. Gayunpaman, habang nasa loob ng E-Room ay maaring magpatayan. Isa itong paraan upang depensahan at masakop ang lugar. Sa loob ng bawat E-Room ay PK zone ( Player Killing Zone ). Ang isang GANG at ang mga ka allied nito ay maaring sumakop ng higit sa isang E-Room, depende sa kalakasan at katatagan ng grupo.
|
Ito ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng marketplace. Kadalasang ginaganap ang Club Wars sa Channel zero. Ito rin ay nagaganap tuwing miyerkules at sabado ( Wednesdays and Saturdays ), alas otso ng gabi 8:00pm, o depende sa itatalaga ng mga GM ( Game Master ). May apat na E-Rooms na kumakatawan sa bawat eskwelahan at lugar na matatagpuan sa RAN Online. Ito ay ang mga : Phoenix School Electronic Room Sacred Gate School Electronic Room Mystic Peak School Electronic RooM Trading Hole Area Electronic RooM Ilang mahahalagang bagay kung sasali sa Club Wars. 1. isang advantage kung mga high level players ang miyembro ng GANG. 2. bago pumasok sa E-Room, mag savepoint muna sa NURSE na matatagpuan sa labas kanang bahagi bago pumasok ng E-Room. 3. maaaring magdala ng POWER UP MAX BOX upang magkaroon ng karagdagang lakas. Maari ding magdala ng HP MP SP pots. 4. suotin ang pinakamagandang armors or weapons. Hindi naman ito malalaglag kung sakaling mamatay ka sa loob ng E-Room. 5. tanging ang AUTHENTICATOR lamang na itinalaga ng gang leader ang maaaring makapag authenticate. Ang GANG at mga ka allied nito na makakasakop ng E-ROOM na rumerepresenta ng isang eskwelahan o lugar ay makakatanggap ng GOLDS bilang gantimpala. Makukuha ito sa BANK sa loob ng E-ROOM. Lilitaw din ang BADGE ng GANG sa nasakop nitong lugar. |
No comments:
Post a Comment